Chua pinagmulta ng P10K
MANILA, Philippines - Pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office si Barangay Ginebra head coach Alfrancis Chua ng P10,000 dahil sa pagpapakita niya ng dirty finger sa mga fans at team officials ng Alaska sa Game Two ng kanilang title series noong Biyernes sa MOA Arena sa Pasay City.
Sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud na hindi dapat ito ang inasal ni Chua kahit na siya ay asarin ng mga fans ng Aces.
“This is certainly conduct unbecoming of a head coach and offensive to the sensibilities of our fans. Even if allegedly provoked, this type of behavior will not be toÂlerated by the league,†wika ni Salud.
Ang dirty finger ay ipinakita ni Chua sa mga fans at team officials ng Aces na nakaupo sa likod ng Alaska bench. Ito ang unang pagkakataon na namultahan si Chua, humalili kay Siot Tanquingcen bilang mentor ng Gin Kings bago ang pagsisimula ng 2013 PBA Commissioner’s Cup.
- Latest