PH/SMART jins sumipa ng 12 ginto sa ASEAN meets
MANILA, Philippines - Nagbunga ang paglahok ng Philippine Taekwondo Association (PTA) sa 11th ASEAN Taekwondo Federation (ATF) ChamÂpionships nang kumubra ang Pambansang deleÂgasyon ng 12 ginto, 14 pilak at 14 bronze medals sa Nay Pyi Taw, Myanmar.
Nanguna ang beteraÂnang si Kirstie Elaine Alora at Anjelay Pelaez nang kumubra ng ginto sa senior women’s kyorugi (free sparring) competition.
Sina Francis Aaron Agojo, Gershon Bautista, Christian Al Dela Cruz at Kristopher Robert Uy ay nanaig sa senior men’s kyorugi division.
Ang iba pang naghatid ng ginto ay sina Enrique Edgardo Mora IV, Juan Miguel Ramos at Aries Capispisan sa junior men at Irene Therese Bermejo, Bea Muriel Go at Reign Charm Ragutana sa junior women sa kyorugi.
Tumulong sa pagsali ng Pambansang delegasyon ang MVP Sports Foundation, SMART Communications, PLDT, Meralco, TV5 at Philippine Sports Commission (PSC).
- Latest