^

PSN Palaro

Mayweather sa Amerika Pacquiao pinakamayamang atleta sa Asia

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nanatili  si Manny Pacquiao bilang pinakamayamang atleta ng Asia kahit namamahinga pa matapos matalo sa dalawang laban noong 2012.

Lumabas sa ulat ng Sports Illustrated na ang $35 milyon na kinita ni Pacquiao laban kay Juan Manuel Marquez ng Mexico ay sapat pa para mailagay siya sa pang-anim na pinakamayamang atleta sa mundo na hindi taga-US

“Pacquiao falls short of the top 5 because he only fought once in the period we measure,” wika ni Da­niel Roberts ng SI.

Dalawang laban ang hinarap ni Pacquiao noong nakaraang taon at ang una ay nangyari kontra kay Timothy Bradley noong Hunyo at natalo siya sa split decision.

Ang ikalawang laban ay ginawa noong Dis­yembre laban kay Marquez na umani ng sixth round knockout na panalo.

Sa labang ito binayaran si Pacman ng $23 milyon at ang dagdag na kita ay sa kanyang parte sa Pay Per View at live gate atten­dance.

Si Pacquiao na nanalo uli ng bagong termino bilang Kinatawan ng Sarangani Province, ang natatanging boksingero sa talaan at napantayan niya ang puwestong inabot noong nakaraang taon.

Ang isa pang atleta mula Asia ay ang badminton player ng China na si Li Na na nasa ika-17th puwesto sa 20 pinangalanan ng SI sa kinabig na $17,280,646.

Nangunguna sa talaan ang football superstar na si David Beckham ng Great Britain sa $48.3 milyon bago sumunod sina Roger Federer ng Switzerland sa $43.4M, Formula One driver Fernando Alonzo ng Spain sa $42.8M, football player Cristiano Ronaldo ng Portugal sa $35.3M at isa pang football player  si Lionel Messi ng Argentina sa $35.1M.

At para naman sa mga American athletes, bumabandera ang walang talong si Floyd ‘Money Man’ Mayweather Jr., sa listahan sa kanyang kinita na $90 million, sumunod ang NBA great na si  LeBron James na nagkamal ng kitang $56.5 million.

 

vuukle comment

CRISTIANO RONALDO

DAVID BECKHAM

FERNANDO ALONZO

FORMULA ONE

GREAT BRITAIN

JUAN MANUEL MARQUEZ

LI NA

LIONEL MESSI

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with