Kings kinapos sa Aces
Laro Bukas
(MOA Arena, Pasay City)
7:30 p.m. Alaska vs Ginebra
MANILA, Philippines - Hindi nagpakita ang mga Gin Kings na tumalo sa mga bigating Rain or Shine Elasto Painters sa quarterfinals at sa Talk ‘N Text Tropang Texters sa semifinals series.
Sa halip, ang dominanÂteng Aces ang napanood ng halos 19,000 maÂnoÂnood.
Binuksan ang laro sa paÂmamagitan ng 14-0 abante, tinalo ng Alaska ang Barangay Ginebra, 87-70, sa Game One ng kanilang best-of-five championship series para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang ikatlong panalo ng Aces laban sa Gin Kings matapos manaig sa dalaÂwang beses nilang paghaharap sa elimination round.
“I thought we did a good job in the second half of focusing the players,†sabi ni head coach Lugi Trillo. “There were a lot of hard fouls on Calvin (Abueva) and even on Robert (Dozier). And I said to my players let me do the talking to the refs while they concentrate on playing.â€
Mula sa nasabing 14-0 kalamangan kung saan naglista ang Gin Kings ng malamyang 0-of-11 fieldgoal shooting ay pinalobo pa ng Aces ang kanilang bentahe sa 22 points, 28-6, mula sa isang jumper ni RJ Jazul sa nalalabing 1.2 segundo ng first period.
Bagamat kumamada sina import Vernon Macklin, Kerby Raymundo at Mark Caguioa para sa Ginebra ay itinala pa rin ng Alaska ang isang 25-point lead, 38-13, buhat sa isang three-point shot ni Jazul sa 5:13 ng second quarter.
Napanatili ng Aces ang kanilang mainit na opensa sa third period kung saan nila kinuha ang isang 30-point advantage, 54-24, mula sa basket ni Sonny Thoss.
At mula dito ay hindi na nakadikit pa sa 10 puntos ang Gin King sa final canto.
Alaska 87 - Jazul 16, Dozier 14, Thoss 12, Abueva 10, Casio 10, Baguio 10, Espinas 9, Dela Cruz 4, Hontiveros 2, Belasco 0.
Ginebra 70 - Macklin 16, Tenorio 14, Raymundo 9, Helterbrand 7, Espiritu 6, Labagala 4, Urbiztondo 4, Maierhofer 4, Mamaril 2, Caguioa 2, Ellis 1, Baracael 1, Wilson 0, Hatfield 0.
Quarterscores: 28-6, 46-24, 67-48, 87-70.
- Latest