^

PSN Palaro

Pingoy makakalaro na sa UAAP?

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng matunghayan na ang kontrobersyal na si in­coming freshman Jerie Pingoy sa darating na UAAP men’s basketball tournament.

Ito ay matapos aprubahan ng UAAP Board ang isang ‘clause’ na magpapalaro sa mga rookies galing sa high school mula sa isang UAAP school  papunta sa isa pang mem­ber school.

Nauna nang inaprubahan ng board ang two-year re­sidency rule.

Sa ‘specific clause’, ang isang freshman transferee ay da­pat kumuha ng release papers mula sa eskuwelahan na kanilang pinagmulan para makaiwas sa eligibility rule.

Ang naturang two-year residency rule ay pinalagan na ni Sen. Pia Cayetano sa idinaos na Senate inquiry.

Kung hindi ito magagawa, ang isang rookie transferee ay sasailalim sa two-year residency bago siya makalaro sa UAAP.

Gumawa ng ingay si Pingoy bilang Baby Tamaraw ng Far Eastern University at naglaro sa Energen Pilipinas, ang national youth team.

Ngunit ayaw maglaro ni Pingoy para sa Tamaraws at mas pinili ang Ateneo Blue Eagles.

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

BABY TAMARAW

ENERGEN PILIPINAS

FAR EASTERN UNIVERSITY

GUMAWA

JERIE PINGOY

PIA CAYETANO

PINGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with