^

PSN Palaro

Escudero kinuwestiyon ang pagtitipid ng PSC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ang ginagawang pagtitipid ng Philippine Sports Commission na wala sa lugar.

Sinabi ni Escudero na may sapat na pondo ang PSC para sa epektibong kampanya ng mga atleta para sa Olympic Games sa 2016.

Inihayag ng PSC na nakatipid sila ng P500 mil­yon at ang P30 milyon dito ay nakalaan para sa partisipasyon ng mga atleta sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.

Kamakailan ay binawalan ng PSC ang pagsasa­nay ng mga Filipino athletes sa ibang bansa.

Sinabi ng PSC na kukuha sila ng mga foreign coaches na magsasanay sa mga atleta rito sa bansa.

“There’s nothing wrong with hiring foreign coa­ches. There’s nothing wrong keeping SEA Games athletes at home and training them here. But with P500 million, PSC could spend it for several athletes with Olympic potential, or the PSC will have a hard time defending its next budget proposal before Congress since it has enough money to cover for its operations for a whole year or so,” ani Escudero.

Kinuwestiyon din ng Senador ang pagbubuhos ng PSC ng pondo sa pa­ma­­mahala ng bansa sa Asian Games Centennial Festival, isang side event na nakatakda sa Nobyembre 26-29 sa Boracay na dadaluhan ng mga opisya­les ng Olympic Council of Asia.

“I believe in the intention by the PSC to support the Philippine Olympic Committee in hosting the OCA Centennial, but it should not put its savings in one basket and then ask Congress again for more funds for the Olympic campaign,” wika ni Escudero.

Binawasan ng Myanmar ang mga events sa 2013 SEA Games kung saan lamang sila may tsansang manalo na inaasahan namang magbababa sa estado ng Pilipinas sa medal standings.

ASIAN GAMES CENTENNIAL FESTIVAL

KINUWESTIYON

MYANMAR

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

OLYMPIC GAMES

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PSC

SENATOR FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with