^

PSN Palaro

Elite pinigil ng Waves

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinorpresa ng Boracay Rum ang Blackwater Sports, 96-89, para tumibay pa ang paghahabol sa quarterfinals sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Arena sa Pasig City.

Ginamit ng Waves ang mainit na shooting sa kinuhang 53.4 shooting (39-of-73) at ang dalawang 29 puntos na ginawa sa ikalawa at ikatlong yugto para layuan ang Elite sa 81-66 papasok sa huling yugto.

Ikaanim na panalo sa 10 laro ito ng tropa ni coach Lawrence Chongson habang bumaba ang Elite sa ikatlong pagkatalo sa pitong panalo.

Kailangan ngayon ng tropa ni coach Leo Isaac na maipanalo ang huling laro laban sa Hog’s Breath at ipanalangin na matalo ang Fruitas sa isa sa dalawang laro upang makopo ang awtomatikong puwesto sa semifinals.

Dinurog ng NLEX ang Informatics Icons, 96-64, para kunin ang ikapitong sunod na panalo at agawin ang liderato sa 12 ko­po­nang liga.

Kailangan na lamang ng Road Warriors na maipanalo ang isa sa dalawang laro para umusad sa semifinals.

Nangibabaw din ang EA Regens sa Jumbo Plastic, 105-79, para saluhan ang Waves at Cagayan Valley sa ikaapat hanggang anim na puwesto sa 6-4 baraha.

 

vuukle comment

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

INFORMATICS ICONS

JUMBO PLASTIC

KAILANGAN

LAWRENCE CHONGSON

LEO ISAAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with