Semis papasukin na ng Elite
Laro Ngyaon
( Ynares Sports Arena)
12 nn Jumbo Plastic
vs EA Regen
2 p.m. Boracay Rum
vs Blackwater Sports
4 p.m. Informatics vs NLEX
MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay magtaÂtangka ang Blackwater Sports na angkinin ang puÂwesto sa Final Four sa PBA D-League Foundation Cup sa pagharap sa palabang Boracay Rum ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Pilit na ipakikita ng tropa ni coach Leo Isaac ang pormang naghatid sa kopoÂnan ng pitong panalo sa Waves sa kanilang tagisan na itinakda dakong alas-2 ng hapon.
Naunsiyami ang Elite na makopo ang isa sa dalawang awtomatikong semis seat na mapupunta sa unang dalawang koÂÂponan matapos ang eliÂmiÂnasyon nang dumapa sila sa nagdedepensang NLEX Road Warriors, 73-81, noong Abril 29.
Kung masilat pa ang Elite, malaki ang posibilidad na tablahan sila sa unang puwesto ng Road Warriors na haharapin ang walang panalong Informatics sa huling laro dakong alas-4 ng hapon.
“Positibo ang aking pananaw na makakaya naÂming kunin ang insentibo, May dalawang laro pa kami at kailangang isa rito ay maipanalo namin,†wika ni Isaac.
Dapat ay todo-bigay ang kanyang mga alipores dahil ang Waves ay nangaÂngailangan din ng panalo para lumakas ang laban sa quarterfinals.
May 5-4 karta ang at kasalo ang EA Regens sa mahalagang ikaanim na puwesto na siyang makakasama na aabante sa playoff.
Ang Team Delta na luÂmasap ng 73-77 pagkaÂtalo sa kamay ng Big Chill noong Martes ay magsisikap na bumangon sa pagsukat sa husay ng bagito ring Jumbo Plastic sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghalli.
Inspirado ang Giants dahil sa 4-5 karta ay may laban pa sila sa puwesto sa quarterfinals lalo na kung maipanalo ang huling dalawang asignatura.
Si assistant coach Adonis Tierra pa rin ang didiskarte sa NLEX dahil nasa US pa si head coach Boyet Fernandez ngunit walang nakikitang problema rito lalo pa’t may anim na sunod na panalo ang kanyang bataan habang ang Icons ay may siyam na sunod na kabiguan.
- Latest