^

PSN Palaro

Big Chill nabuhayan pa ng pag-asa

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

( Ynares Arena)

12 nn Jumbo Plastic

vs EA Regen

2 p.m. Boracay Rum

vs Blackwater Sports

4 p.m. Informatics vs NLEX

MANILA, Philippines - Winakasan ng Big Chill ang kampanya sa PBA D-League Foundation Cup sa impresibong 77-73 panalo sa EA Regens para manatiling humihinga pa na ginawa sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naipasok ni Janus Lozada ang mahalagang tres na nagbalik sa Superchar­gers ng kalamangan bago nanalasa sina Terrence Romeo at Mark Canlas upang ibigay sa tropa ni coach Robert Sison ang 6-5 karta at malagay sa ikalimang puwesto sa team standings.

Pumukol ng tres si Jimbo Aquino para itulak ang rookie team sa 61-59 bentahe pero ang tres ni Lozada ay kabilang sa 5-0 bomba para hawakan na ng tuluyan ng Big Chill ang kalamangan sa laro.

Si Romeo ay mayroong 17 puntos upang suportahan ang 18 na ginawa ni Lendmark Montilla habang nasayang ang 18 puntos at 21 rebounds si Raymund Almazan para sa EA Regens na tumanggap ng ikaapat na kabiguan matapos ang siyam na laro.

Gumawa ng 20 puntos si Joshua Webb pero ang 5’5” guard na si Mark Cruz ang siyang tumayong bida upang makamit ng Cagayan Valley ang 73-67 panalo sa Café France sa isa pang laro.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

JANUS LOZADA

JIMBO AQUINO

JOSHUA WEBB

JUMBO PLASTIC

LARO BUKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with