Phl wrestling team kumuha ng 1 gold, 3 silvers at 7 bronzes
MANILA, Philippines - Ibinigay ng tubong Quezon City na si Meldion Piñon ang gintong medalya sa Team Philippines para magÂÂkaÂroon ng magandang kiÂnalabasan ang paglahok sa 6th Southeast Asian Junior and Cadet Wrestling Championships sa Suphanburi, Thailand.
Angat na ang 20-anyos na si Piñon sa 3-2 laban kay Le Aung Tung ng Vietnam nang magdesisyon ang reÂfeÂree na itigil ang laban dahil sa patuloy na pagdugo ng maÂlaÂking putok sa mata na tumama sa tuhod ni Piñon haÂbang naggigirian sa mat.
May tatlong pilak at pitong tansong medalya rin ang koponang ipinadala ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) para higitan ang dalawang bronze meÂdals na naiuwi ng tatlong wrestlers noong 2011.
Ang mga nanalo ng silver medal ay sina Joshua GaÂyuchan ng Ifugao (53kg. caÂdet Greco-Roman), naÂnalo ng bronze noong 2011, Marlou Onrubia ng Zamboanga (55kg. junior freestyle) at Rosegyn Malabja ng BaÂguio City (49kg. cadet woÂmen).
Sina Michael Jay Cater ng Taytay, Vince Palanca ng Mandaluyong City at Jefferson Manatad ng Quezon City na naglaro sa Greco-RoÂman at sina Jerald Bosikaw ng Baguio City, Ronil TuÂbog ng Dumaguete City, JoÂseph Canolas ng Taytay at lady wrestler Kristine Jambora ng New Era University ang nag-uwi ng mga bronze meÂdals.
- Latest