^

PSN Palaro

Silver kay Santos sa Asian Athletics Grand Prix

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ni Katherine “Khay” Santos na ma­bokya ang Pilipinas sa una sa tatlong yugto ng 2013 Asian Athletics Grand Prix nang kumuha siya ng pilak sa paboritong long jump event na pinaglabanan noong Mayo 4 sa Bangkok,  Thailand.

Ang Thammasat Stadium ang siyang venue ng ta­gisan ng piling atleta mula sa iba’t-ibang bansa at pinalad si Santos na makapagtala ng 6.17-metro. Mababa ito sa kanyang personal best na 6.25-m marka na ginawa noong manalo ng bronze medal sa 2011 Indonesia SEA Games pero sapat ito para kunin ang pilak na medalya sa kompetisyong inorganisa ng Asian Athletics Association (AAA).

Nasingitan ni Santos, ang pangalawang pambato ng Pilipinas sa event matapos ang SEAG queen na si Marestella Torres, ang dalawang lahok ng Uzbekistan na nanalo ng ginto at bronze medal.

Si Darya Rezmehenko ang kumuha sa unang puwesto sa 6.52-m marka habang may 6.11-m ang ka­babayang si Yuliya Tarasova para sa bronze medal.

Apat na atleta lamang ang ipinadala ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) at hindi nakapag-ambag ng medalya sina Josie Villarito, Rene Herrera at  Daniel Nova. 

Ang second leg ay gagawin sa Mayo 8 sa Chonbori, Thailand habang ang huling leg ay sa Colombo, Sri Lanka idaraos sa Mayo 12.

ANG THAMMASAT STADIUM

ASIAN ATHLETICS ASSOCIATION

ASIAN ATHLETICS GRAND PRIX

DANIEL NOVA

JOSIE VILLARITO

MARESTELLA TORRES

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

PILIPINAS

RENE HERRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
3 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with