5-dikit sa Bulldogs
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
12 nn St. Benilde vs JRU
2 p.m. SWU vs UST
4 p.m. Arellano U vs AdU
MANILA, Philippines - Nagpasabog agad ang National University ng 36 puntos sa unang yugto para lumayo tungo sa 94-65 panalo sa Perpetual Help sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 19 puntos, anim na assists si Bobby Parks Jr. sa limitadong 20 minutong paglalaro habang sina Alfred Aroga at Denice Villamor ay may 13 at 10 puntos at ang Bulldogs ay lumayo agad ng 20 puntos matapos lamang ang unang sampung minuto para kunin ang ikalimang sunod na panalo.
Nawalang-saysay ang 22 turnovers ng tropa ni coach Eric Altamirano dahil sa mainit na pagbuslo ng Bulldogs na tumapos taglay ang 62% shooting (36-of-58).
May 12 tres ang naipasok ng koponan mula sa 24 birada at si Parks ang umako sa lima mula sa anim na ipinukol.
Nalasap ng Altas ang ikatlong sunod na pagkatalo at nangyari ito dahil malamig ang mga shooters ng koponan sa masamang 29% shooting clip (21-of-73).
Bumangon naman ang UE sa overtime na pagkaÂtalo sa San Sebastian sa huling laro nang durugin din ang Emilio AguiÂnaldo, 97-66, sa isa pang laro.
May 23 puntos at 11 rebounds si 6’8 center Charles Mammie mula sa bench habang ang pamalit ding si Jay-Ar Sumido ay naghatid ng 15 puntos para sa Warriors na lumamang mula sa simula hanggang natapos ang labanan.
May 10 puntos, 8 rebounds, 6 assists at tig-isang steal at block si JM Noble para sa UE na kontrolado ang rebounding, 59-43, at assists, 24-12, upang itabla ang karta sa 2-2.
Ikatlong sunod na kabiguan ang nalasap ng EAC na humugot ng 12 puntos kay Sherwin Castro.
- Latest