^

PSN Palaro

‘Di pa tapos ang laban: Rockets, Celtics nakasilip ng pag-asa

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA CITY--Umiskor si James Harden ng 31 points at nagsalpak ng pitong 3-pointers sa ka­bila ng pagkakaroon ng sinat para tulungan ang Houston Rockets sa 107-100 panalo laban sa Oklahoma City Thunder at makalapit sa 2-3 agwat sa kanilang first-round playoff series.

Nanguna si Harden sa pagtayo ng isang 16-point lead para sa ikala­wang sunod na panalo ng Roc­kets laban sa Thunder sa kanilang serye.

Hangad ng Houston na maging kauna-unahang koponan sa NBA history na nakabangon mula sa isang 0-3 deficit at angkinin ang serye.

“I just tried to go out there and give it all I had,’’ sabi ni Harden. “It was a win or go home, so I got some shots to fall and I just tried to not think about it.’’

Naglaro ang Rockets na wala si starting point guard Jeremy Lin sa ikalawang sunod na pagkaka­taon dahil sa isang bruised chest muscle.

Hindi naman naglaro si key reserve Carlos Delfino sa second half dahil sa kanyang sumasakit na kaliwang paa.

Nakahugot ang Houston ng 21 points at 11 rebounds kay Omer Asik at 18 points na tinampukan ng limang 3-pointers buhat kay Francisco Garcia.

Nagdagdag naman si Patrick Beverley ng 14 at may tig-10 sina  Aaron Brooks at Chandler Parsons.

Naglaro ang Oklahoma City na wala si All-Star point guard Russell Westbrook.

Ang dalawang free­throws ni Asik ang nagbigay sa Houston ng 101-92 abante sa huling 3:53 ng fourth quarter.

Tumipa si Kevin Durant ng 36 points para sa Oklahoma City, bibiyahe patungong Houston para sa  Game 6 sa Biyernes.

Sa New York, humakot si Kevin Garnett ng 16 points at 18 rebounds para igiya ang Boston Celtics sa 92-86 panalo laban sa New York Knicks at makalapit sa 2-3 sa kanilang serye.

Ang Game 6 ay idaraos sa Boston sa Biyernes.

Nagdagdag si Brandon Bass ng 17 points para sa Boston na bumangon buhat sa isang 11-0 deficit bago iniwanan ang New York sa second half.

Sa Indianapolis, tumipa si veteran David West ng 24 points, samantalang nagdagdag si Paul George na may double-double para ihatid ang Indiana Pacers sa 106-83 pananaig kontra sa Atlanta Hawks at kunin ang 3-2 abante sa kanilang serye.

AARON BROOKS

ANG GAME

ATLANTA HAWKS

BIYERNES

BOSTON CELTICS

BRANDON BASS

CARLOS DELFINO

CHANDLER PARSONS

OKLAHOMA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with