^

PSN Palaro

Blackwater kakasa sa FIBA-Asia 3x3 tilt

QH - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Blackwater Sports ang kakatawan sa Pilipinas para sa kauna-unahang FIBA-Asia 3x3 tournament sa Doha, Qatar sa Mayo 15-16 sa kabila ng kabiguan sa Big Chill sa finals ng qualifiers.

Sinabi ni head coach Pat Aquino kahapon na handang-handa na ang PBA D-League squad na makipagsabayan sa nasabing 16-team tournament.

Tinalo ng Big Chill ang Blackwater, 20-17, para sa karapatang isuot ang national colors sa Qatar, ngunit nabigo silang isumite ang kopya ng passports ng kanilang mga players noong April 15 deadline. 

 Kinumipirma kamakalawa ni PBA media bureau chief Willy Marcial ang paglalaro ng Blackwater, kinabibilangan nina 6-1 Bacon Austria ng Ateneo, 6-4 Kevin Ferrer ng UST, 6-3 Gio Ciriacruz ng Arellano at 6-3 Robby Celiz ng NU.

“It’s unfortunate that we are not able to represent our country,” sabi ni Big Chill team manager Paul Lee.  “We appealed our case to the SBP but since we did not submit the documents on time, FIBA-Asia could not process our applications anymore.  The SBP had to submit eight names to FIBA-Asia by April 15 and from the eight, four were picked to play in Doha. At the time of the deadline, three teams were still in contention-- Big Chill, Blackwater and Fruitas.  So only the players from Blackwater and Fruitas were listed.  We realize it’s our fault but our players did their best to earn the right.”

Makakasama ng Pilipinas sa Group A ang Mongolia, Qatar Maroon at Sri Lanka, habang nasa Group B ang India, Indonesia, Turkmenistan at Iran.

Ang Group C ay binu­buo ng Chinese-Taipei, Thailand, Nepal at Lebanon, habang ang Japan, Qatar Grey, Jordan at Hong Kong ang kabilang sa Group D. 

Ang China, South Korea at Kazakhstan ay walang kinatawan sa torneo.

vuukle comment

ANG BLACKWATER SPORTS

ANG CHINA

ANG GROUP C

BACON AUSTRIA

BIG CHILL

BLACKWATER AND FRUITAS

DOHA

GIO CIRIACRUZ

GROUP A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with