^

PSN Palaro

PBA players mainit na sinalubong sa Davao

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Cultural and Business Center, Digos City)

5 p.m. PBA All-Star Skills Events

6 p.m. PBA Greats vs Stalwarts Game

 

DAVAO CITY, Philippines --Mainit na sinalubong ng Davaeños ang mga paborito nilang basketbolista sa pagdating dito ng PBA delegation para sa All-Star Week.

Bukod sa mga sumalubong sa Davao airport, na-silayan din ng mga panatiko ng PBA ang kanilang mga hinahangaang PBA players sa isinagawang motorcade mula dito sa Davao City patungong Digos City kaha­pon ng hapon.

Sa araw na ito, makikisalamuha ang mga PBA stars sa kanilang mga fans sa isasagawang tree plan­ting sa Davao del Sur Coliseum, pagbisita sa mga may sakit sa Davao del Sur Provincial Hospital bukod pa sa mall tour sa Gaisano Mall sa Digos.

Gaganapin bukas sa Sports, Cultural at Business Center ng Davao del Sur ang mga Skills events na Obstacle Challenge, Three-Point Shootout at Slamdunk contests simula sa alas-5:00 ng hapon na susundan ng laban ng PBA Greats versus Stalwarts.

Inaasahang makikibahagi ang Pambansang kamao sa larong ito para sa Stalwarts ngunit wala pang pormal na kumpirmasyon kahapon habang sinusulat ang balitang ito na sana ay lalong magbibigay kulay  sa larong ito.

Sa Sabado, magkakaroon ng basketball court painting sa Brgy. Zone 2 ang mga PBA stars, basketball clinic sa Davao del Sur Coliseum ang Gilas Pilipinas at may mall tour uli sa Gaisano Digos.

Bilang pang-finale, ita­tanghal ang All Star Game kung saan tampok ang Gilas Pilipinas 2 na masi­silayan sa unang pagkakataon sapul nang mabuo ito na haharap sa PBA Se­lection pagkatapos ng Shooting Stars competition na sisimulan sa alas-5 ng hapon.

ALL STAR GAME

ALL-STAR SKILLS EVENTS

ALL-STAR WEEK

DAVAO

DIGOS CITY

GILAS PILIPINAS

PBA

SUR COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with