WBO pres. humanga sa husay ni Sabillo
MANILA, Philippines - Kahit ang mga dayuhan ay hanga sa ipinakitang husay ni Merlito Sabillo na kinikilala ngayon bilang kampeon sa WBO mini-flyÂweight division.
Nanguna sa napabilib kay Sabillo ay mismong si WBO president Francisco Valcarcel matapos manaig ito sa dating walang talong Colombian boxer na si Luis dela Rosa sa labang ginanap sa kanyang bansa noong Marso 9.
“Noong nasa Macau ako para sa laban ni (Brian) Viloria ay pinag-uusapan ang nangyaring labanan nina Sabillo at dela Rosa. Tunay na naging maaksyon ang laban at marami ang napahanga kay Sabillo. Kahit si WBO president Francisco Valcarcel ay nagsabing he will be a great champion,†may pagmamalaking ibinida ni ALA Promotions Vice president Dennis Canete na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Nanalo si Sabillo sa paÂmaÂmagitan ng 8th round TKO at nasundan ito ng pag-akyat ng dating kampeon na si Moises Fuentes ng Mexico sa light flyweight.
Dahil bakante ang dibisÂyon, ibinigay ng WBO ang titulo kay Sabillo.
Nasa forum din ang 29-anyos na si Sabillo kaÂsama ang dating boxer na ngayon ay trainer na si Michael Domingo at tiniyak ng ikatlong world champion ng Pilipinas na patutunayan niya na tama ang mataas na ekspektasyon na ibinabato sa kanya sa pagsuntok niya sa voluntary defense sa Hunyo 29.
- Latest