Aces nakaisa rin sa Mixers
Laro sa Mayo 3
(Davao City)
5 p.m. PBA All-Star Skills Events
6 p.m. PBA Greats vs Stalwarts Game
MANILA, Philippines - Matapos magtayo ng isang 17-point lead sa first half ay hindi na nilingon pa ng Aces ang Mixers para itabla ang kanilang best-of-five semifinals series sa 1-1.
Naging agresibo mula umpisa hanggang sa katapusan ng laro, pinayukod ng Alaska ang nagdedepensang San Mig Coffee, 86-67, sa Game Two para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa SM MOA Arena sa Pasay City.
Kinuha ng Aces ang isang 17-point lead, 39-22, sa 5:54 ng second period mula sa isang three-point shot ni JVee Casio bago ito pinalobo sa isang 23-point advantage, 63-40, sa gitna ng third quarter para resbakan ang Mixers, naÂnaig sa Game One, 71-69, noong Sabado.
Nagawa pa ng San Mig Coffee na makalapit sa 62-71 mula sa tirada ni PJ Simon kasunod ang basket ni Sonny Thoss at slam dunk ni import Robert Dozier para muling ilayo ang Alaska sa 76-61 sa 3:09 ng final canto.
At sapat na ito para angkinin ng Aces ang kaÂnilang unang panalo laban sa dati nilang mentor na si Tim Cone matapos ang 0-8 record.
“It’s not dirty. It’s just physical,†sabi ni Alaska coach Luigi Trillo. “It’s not about James (Yap) versus Calvin (Abueva) or JVee (Casio) versus (Mark) Barroca. You know it’s more than that.â€
Samantala, muling magÂÂkikita ang San Mig CofÂfee, Alaska, Ginebra at Talk ‘N Text sa Mayo 8 para sa Game Three ng kani-kanilang semis showdown sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ay dahil sa pagdaraos ng 2013 PBA All-Star Week sa Digos City, Davao del Sur.
Tumabla ang Tropang Texters nang kunin ang 85-79 tagumpay sa Game Two noong Linggo matapos pitasin ng Gin Kings ang Game One, 104-81, noong Biyernes.
- Latest