^

PSN Palaro

Ang halaga ni Caguioa

FREETHROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Ito’y  usapang biruan lang buhat sa ilang kaibigan ko na lubhang nasiyahan sa panalong naitala ng Barangay Ginebra San Miguel kontra Talk N Text sa Game One ng kanilang PBA Commisisoner’s Cup best-of-five se-mifinals series noong Biyernes sa Araneta Coliseum.

Sabi kasi ng isa kong pilyang kaibigan na maka-Gi­nebra naman ay “Mabuti pang wala si Mark Caguioa, e. Nananalo ang team ko at nakakarating sa semis!”

Kasi nga naman ay nangyari din ito noong nakaraang season kung saan nawala nga si Caguioa matapos na magkadiperensya sa mata at umabot naman sa se­mifinals ang Ginebra. So, kahit paano’y nabubuhat ng ibang Gin Kings ang kanilang koponan. Lumalabas ang husay ng ibang players sa pagkawala ni Caguioa.

Pero teka, teka, teka.

Sagot naman ng isa pang kaibigan ko, “Umabot nga sa semis ang Ginebra noong wala si Caguioa. pero hindi sila nakarating sa Finals. Kaya kailangan pa rin nila si Caguioa.”

Well, ganoon nga ang nangyari. Kasi nga’y mahirap naman na pumasok sa mas malaki’t matinding giyera ang isang team nang wala ang kanilang number one player.

Kahit paano’y mararamdaman nila ang bigat ng pag­kawalang iyon.

Kaya nga maganda ang nangyaring tinalo ng Gin Kings ang Tropang Texters sa Game One. Ibig sabihin, the best na pwedeng gawin ng  Tropang Texters ay ang maitabla ang serye, 1-all kung sila ay nagwagi kagabi.

At kung nangyari to, aba’y magkakaroon ng mahabang panahon si Caguioa na gumaling buhat sa kanyang inury at makabalik sa Game Three na itinakda sa Mayo 8.

E paano pa kung nagwagi ang Gin Kings sa Game Two at nakapagtala ng 2-0 kalamangan kontra Talk N Text? E di puwedeng ipahinga pa rin si Caguioa sa Game Three.

Ang tanong lang kasi diyan ay ito: Kung sakaling makarating ang Gin Kings sa Finals nang wala si Caguioa, puwede pa rin bang maging contender ang manlalarong tinaguriang “The Spark” para sa Most Va­luable Player award?

Kasi nga, kahit paano’y gusto rin ni Caguioa na mag­sabay ang MVP at kampeonato para sa kanya. Noon kasing nakaraang season ay naging MVP si Caguioa kahit na hindi nakarating sa Finals  ng alinman sa tatlong conferences ang Gin Kings.

Sa totoo lang, first time ito sa history ng PBA. First time na ang MVP ay nanggaling sa team na hindi na­ging finalist sa isang season.

So, parang may kulang.

At  iyon ang gustong punan ni Caguioa ngayon. Iyon ang ipinangako niya sa mga fans ng Ginebra matapos na makamtan niya ang MVP award.

So, sa palagay ko at ng mga kaibigan ko, kung makakarating ang Gin Kings sa Finals, pipilitin na ni Ca­guioa na maglaro kahit na ano pa ang nararamdaman niya. Sa totoo lang, baka nga kagabi lang ay puwede na siyang maglaro, e. Hindi lang siya pinupuwersa ni coach Alfrancis Chua.

Kumbaga’y tinitiyaga ng mga kakampi niya ang sit­wasyong wala siya upang sa kanyang pagbabalik ay 100 percent healthy na siya at mas malaki ang ma­itutulong niya.

Definitely, kailangan pa rin ng Barangay Ginebra San Miguel ang presence ni Caguioa sa hardcourt.

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

CAGUIOA

GAME ONE

GAME THREE

GIN KINGS

GINEBRA

KASI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with