^

PSN Palaro

Isa na lang sa Heat Grizzlies, Bulls wagi rin

Pilipino Star Ngayon

MILWAUKEE -- May pagkakataon ang Heat na walisin ang kanilang playoff series sa unang pagkaka­taon matapos sumama si­na LeBron James at Chris Bosh kay Dwyane Wade sa Miami sa kanilang pagsagupa sa Milwaukee Bucks sa Game 4 sa Linggo.

“This is the next step in our development,” sabi ni James matapos igiya ang Heat sa 3-0 bentahe mula sa isang 104-91 paggupo sa Bucks sa Game 3 noong Huwebes ng gabi.

Nakamit na rin ng Heat ang isang 3-0 lead sa kanilang first-round series kontra sa Philadelphia 76ers noong 2011 at laban sa New York Knicks noong 2012.

Ngunit pareho silang na­­puwersa sa Game 5 na gus­to nilang basagin sa pakikipagharap sa Bucks.

Sinubukan ng Milwaukee na lumayo sa third period.

Isinalpak ni Brandon Jen­nings ang kanyang tatlong free throws at nagsalpak ng isang one-hand slam matapos ang agaw ni Ersan Ilyasova.

Tumipa si Luc Mbah Moute ng dalawang free throws na nagbigay sa Bucks ng 61-55 abante sa 7:14 sa third quarter.

Ngunit bumangon ang Heat. Umiskor si Udonis Has­lem ng isang layup at dalawang free throws kasunod ang basket ni Mario Chal­mers para sa isang 23-7 run upang agawin ang unahan sa pagtatapos ng naturang yugto.

Nagtuwang sina James at Chris Andersen para ibigay sa Miami ang 78-68 kalamangan sa fourth quarter.

Sa Memphis, nagbida si Zach Randolph para sa 94-82 panalo ng Grizzlies laban sa Los Angeles Clippers para sa kanilang 1-2 agwat sa serye.

Humugot si Randolph ng 13 sa kanyang 27 points sa first quarter at tumapos na may 11 rebounds para sa Grizzlies.

Sa Chicago, humakot si Carlos Boozer ng 22 points at 16 rebounds, habang nagdagdag si Luol Deng ng 21 points at 10 boards para igiya ang Bulls sa 79-76 pananaig laban sa Brooklyn Nets at kunin ang 2-1 bentahe sa serye.

vuukle comment

BRANDON JEN

BROOKLYN NETS

CARLOS BOOZER

CHRIS ANDERSEN

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

ERSAN ILYASOVA

LOS ANGELES CLIPPERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with