^

PSN Palaro

2nd Del Run itatakbo sa Apr. 28

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasagawa ang Del Run sa Abril 28 sa Marikina Sports Park na ang layunin ay makalikom ng pondo na gagamitin ng Siyudad para sa proyekto laban sa pagbaha.

Ito ang ikalawang taon na nagpapatakbo si Marikina Mayor Del De Guzman para pondohan ang nasabing proyekto na ang target ay magtanim ng mga puno sa 27,000 ektaryang Marikina Watershed.

Sa kasalukuyan, hindi sa­pat ang mga punong nakatanim sa watershed upang mapigilan ang pagguho ng lupa na nagiging sanhi ng madaling pag-apaw ng Marikina River ka­pag bumubuhos ang ulan.

Halagang P400.00 ang registration fee para sa mga sasali sa 5K at 10K habang P500.00 ang sa mga tatakbo sa 21K at hanap ng organizers na makalikom ng hindi bababa ng P980,000.00 na siyang nakuhang pondo noong na­karaang taon.

Umabot sa 3,000 runners ang nakiisa noong nakaraang taon pero sa edisyong ito ay kumbinsido si Mayor De Guzman na aabot sa 5,000 ang mga sasali.

Ang Del Run ay sinusuportahan din ng ilang orga­nisasyon at ahensya ng pamahalaan tulad ng Ongpin Foundation, Department of Environment and Natural Resources, Philippine Airforce, Philippine National Police, Metropolitan Development Authority at Department of Interior and Local Government.

Ang mga interesado ay maaaring makipag-ugna­yan kay Gil Munar ng Labor Relations and Public Employment Service Office sa teleponong (02) 681-9277 o kay Arch. Willy Reyes ng Office of the City Mayor sa numerong (02) 646-1634.

 

vuukle comment

ANG DEL RUN

DEL RUN

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GIL MUNAR

LABOR RELATIONS AND PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE

MARIKINA MAYOR DEL DE GUZMAN

MARIKINA RIVER

MARIKINA SPORTS PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with