Pinatalsik ang Lady Warriors: Quarters kinumpleto ng Lady Altas
Laro sa Linggo
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. San Sebastian vs La Salle-Dasma
4 p.m. Perpetual vs Adamson
MANILA, Philippines - Naipakita rin ng NCAA champion Perpetual Help ang kanilang tunay na laro para kunin ang 25-14, 25-19, 25-19, panalo sa University of San Carlos Cebu at makumpleto na ang mga koponang aabante sa quarterfinals sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Tig-11 hits ang ginawa nina April Sartin at Honey Royse Tubino at ang daÂlawa ay nagsanib sa 16 sa 39 kills para katampukan ang unang panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Kontrolado ng Lady AlÂtas ang attack points, 39-28, at nabigyan pa sila ng 25 puntos sa errors ng CESAFI champion na tinapos ang laro na hindi nakakatikim ng panalo matapos ang apat na pakikipaglaban.
“Maganda ang start at nakatulong ito sa amin dahil may tendency na mag-relax sila,†wika ni Sandy Rieta na siyang nag-coach sa koponan dahil lumiban ang head coach na si Jason SaÂpin.
Tatapusin ng Perpetual Help ang laro sa Group B sa Linggo sa pagharap sa Adamson.
Hindi rin nagpabaya ang UST sa kanilang laro upang madaling lapain ang Letran, 25-16, 25-23 25-20, sa ikalawang laro.
Sina Aiza Maizo, Maika Ortiz at Pamela Lastimosa ay nagtala ng 16, 14, at 10 hits para wakasan ng Lady Tigresses ang laro sa eliminasyon sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa bitbit ang pumapangalawang 3-1 karta.
Ito naman ang ikaapat na sunod na pagkatalo ng Lady Knights para samahan ang Lady Warriors na naÂmaalam na sa liga.
- Latest