Marquez-Bradley fight selyado na
MANILA, Philippines - Plantsado na ang pagÂhahamon ni Juan Manuel Marquez para sa suot na World Boxing Organization welterweight crown ni Timothy Bradley, Jr. sa Setyembre 14 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Ito ang inihayag kahaÂpon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na tumapos sa inaasahang pang limang paghaharap nina Marquez at Filipino world eight-division titlist Manny Pacquiao.
“The fight is agreed to. We have contracts out to both fighters,†wika ni Arum. “(Top Rank president) Todd (duBoef) worked hard with both sides and (Marquez co-promoter) Fernando (Beltran) worked hard with Marquez and we came to terms with both of them.â€
Sina Marquez at Bradley ang siyang nagpalasap kay Pacquiao ng dalawang sunod na kabiguan noong nakaraang taon.
Pinabagsak ng 39-anÂyos na si Marquez ang 34-anyos na si Pacquiao sa huling segundo sa sixth round sa kanilang pang apat na pagkikita noong Disyembre 8 matapos talunin ng 29-anyos na si Bradley si ‘Pacman’ via split decision para agawin ang WBO welterweight title noong Hunyo 9.
Ikinunsidera rin ni Marquez ang inaasahan niyang mahinang kikitain kung gagawin ang kanilang pang limang laban nila ni Pacquiao sa labas ng United States.
“Marquez-Pacquiao in the U.S. would generate incredible riches, but Marquez isn’t convinced Marquez-Pacquiao in Asia will result in the pay-per-view money being as strong,†ani Arum.
Dahil sa malaking baÂyad sa buwis sa US, mas gusto ni Pacquiao na gawin ang kanyang unang laban ngayong 2013 alinman sa Macau o Singapore.
Kasalukuyang bitbit ni Marquez, magiging 40-anyos sa Agosto, ang 55-6-1 win-loss-draw ring record kasama ang 40 knockouts, habang taglay ni Bradley ang malinis na 30-0-0 (12 KOs).
- Latest