^

PSN Palaro

Claret overall champion sa Roxas Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Higit sa 60 koponan mula sa Region 4 at NCR ang lumahok sa 2nd Roxas Football Cup na isang 5-category event na may basbas ng Philippine Football Federation at inorganisa ng Roxas Foundation.

Kabilang sa mga sumali ay ang mga Metro Manila schools kagaya ng Ateneo at UP Diliman; mga local municipalities na Calamba Tuy at mga NGOs katulad ng Center for Community Transformation at ang Roxas Foundation.

Habang ang Claret School ang kumuha ng gold medal sa halos lahat ng kategorya, hinirang naman ang Roxas Wildcats bilang ikalawa sa overall standings.

“We won even before running into the pitch. We win every time we pull a kid out of the streets where they often fall victims of the illegal drug trade,” sabi ni Roxas Foundation President Bea Roxas.

Kagagaling lamang ng Wildcats mula sa Vigan kung saan nila inangkin ang Mayor Eva Marie Cup at nakatakdang maglaro sa Coca Cola Cup.

Ang 2nd Roxas Cup ay itinaguyod ng Central Azucarera  Don Pedro, Growee Vitamins, Cellin Plus at Jollibee at inendorso ng Department of Education at ng Municipal Government ng Nasugbu.

CALAMBA TUY

CELLIN PLUS

CENTRAL AZUCARERA

CLARET SCHOOL

COCA COLA CUP

COMMUNITY TRANSFORMATION

DEPARTMENT OF EDUCATION

DON PEDRO

GROWEE VITAMINS

ROXAS FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with