Pacheco, Bondad gumawa ng bagong marka sa Palaro
DUMAGUETE, Philippines --Inangkin ni Bryan Jay Pache- co ang unang record sa athletics para maging memorable ang pangatlong paglahok sa Palarong Pambansa na ngayon ay ginagawa sa Gov. Mariano Perdices Memorial Stadium dito.
Ibinuhos ng 16-anyos at 6-footer na si Pacheco ang lahat ng naitatagong lakas sa ikaanim at huÂling attempt at nagbunga ito dahil umabot sa 57.81 metro ang layong inabot ng aparato na tumimbang ng 700 grams para sa bagong marka at ginto sa seconÂdary boys javelin throw.
Si Danilo Abarra ng Ilocos Region ang dating may hawak ng record na nasa 51.51m na ginawa nakaÂraang taon sa Lingayen, Pangasinan.
Isang taon pa lamang ang record dahil noong 2012 lamang nagdesisyon ang organizers ng Palaro na sundin ang ipinag-uutos ng international athletics body na IAAF na ilagay lamang sa 700 grams ang bigat ng javelin sa mga juniors mula sa dating 800 grams.
Pumangatlo sa pagkakataong ito si Gemolaga sa 55.10m habang ang pambato ngNCR na si Joshua Patalud ang umani ng pilak sa 56.75m.
Si Aluhon Omosura ng DaÂvao Region ay pumang-apat sa 52.13m marka at tulad nina Patalud at Gemolaga ay nalagpaÂsan din ang dating record.
Samantala, ipinakita ni Catherine Bondad ng NCR ang kahandaan na makapagdomina uli sa swimming nang manalo ng dalawang ginto kasama ang isang bagong Palaro record sa pagsisi-mula ng pool events sa Teves Aquatics Center.
Ang incoÂming third year student sa San Beda Alabang at noong nakaraang taon ay siyang Most Valuable Player sa Lingayen, Pangasinan bitbit ang anim na ginto at isang pilak, ay nagtala ng bagong marka sa girls13-17 100m backstroke sa 1:07.47.
Binura ni Bondad na nanalo rin sa 400m freestyle sa 4:42.20 oras, ang dating marka ni Dorothy Hong noong 2008 na 1:07.94 tiyempo.
“May 5 events pa ako at gusto ko pong ma-sweep ang lahat ng events ko,†wika ni Bondad na noong 2011 sa Dapitan habang nasa elementary division ay winalis ang pitong nilangoy na events.
- Latest