^

PSN Palaro

Sa huling semis slot giyera ng Mixers at Bolts

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

6:45 p.m. San Mig Coffee

vs Meralco

 

MANILA, Philippines - Isang semifinals ticket na lamang ang natitira.

At ito ang siyang pag-a­agawan ng nagdedepensang San Mig Coffee at Meralco sa Game Three ng kanilang quarterfinals series para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup.

Nagtabla sa 1-1, magkikita ang Mixers at ang Bolts ngayong alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa best-of-three quarterfinals showdown ng San Mig Coffee at Meralco ang siyang haharap sa naghihintay na Alaska para sa best-of-five semifinals series.

“All-out Wednesday, that is our battlecry,” wika ni coach Ryan Gregorio sa kanyang Bolts na kinuha ang Game One mula sa kanilang 88-85 pagtakas, habang nakatabla naman ang Mixers sa pamamagitan ng 100-92 pananaig sa Game Two.

Inaasahan naman ni San Mig Coffee mentor Tim Cone ang mas ma­tin­ding laban kumpara sa nakaraan nilang dalawang laro ng Meralco.

“Nothing comes easy in the playoffs as evidenced by the Ginebra-Rain or Shine game. That’s the way we expect our game to play out – a tough, down-the-wire battle that can go either way,” sabi ni Cone.

Sa Game 2, natawagan ang Bolts ng 32 fouls na nagresulta sa 43 freethrows ng Mixers.

“Twenty free throw-dif­ferential from Game 1 to Game 2. We have to adjust to the calls, no other way. We are so used to pla­ying defense at a certain way but somehow calls were tighter in Game 2,” ani Gregorio.

Sa 2012 Commissio­ner’s Cup, kinuha rin ng Meralco ang 1-0 lead laban sa B-Meg (ngayon ay San Mig Coffee) bago sila natalo sa Games Two at Three.

“Wednesday will be different,” sambit ni Gregorio.

vuukle comment

GAME

GAME ONE

GAME THREE

GAME TWO

GAMES TWO

GREGORIO

MERALCO

SAN MIG COFFEE

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with