Ravena humataw sa Eagles
Laro Bukas
(The Arena)
12:45 p.m. LPU vs SWU
2:30 p.m. NU vs CSB
4:15 p.m. UE vs ADMU
MANILA, Philippines - Naglabas si Kiefer RaÂvena ng impresibong performance nang maglista ng 33 puntos at banderahan ang Ateneo sa 88-81 tagumpay kontra sa Letran kahapon sa pagbabalik aksyon ng Filoil Flying V Hanes Pre-Season Premier Cup sa the Arena.
Ang panalo ay nagbalik sa Eagles sa itaas matapos iposte ang 4-1 kartada.
Sa kabila ng panalo, dismayado pa rin si Ateneo coach Bo Perasol sa kanyang bataan na naging malamya sa final canto.
“We should have a matured game at endgame,†ani Perasol, na ang torneo ay nagsisilbing pagpapaÂlakas ng kanilang koponan na ang mga key plaÂyers na kabilang sa five-peat ay nagsipagtapos na.
Hinawakan ng Eagles ang 80-64 pangunguÂÂna mula sa dalawang charities ni Vince Tolentino bago unti-unti itong naibaba ng Letran sa 81-87 matapos magsanib puwersa sina Mcjour Luib at Rey Nambatac patungong huling minuto ng sagupaan.
Samantala, sumandig ang San Sebastian sa mga balikat ni Jon Rebollos na tumapos ng 20 puntos upang ihatid ang Stags sa 84-73 panalo kontra sa Cebuano team Southwestern U sa unang laro.
- Latest