NCR athletes mapapalaban sa WV sa pagkuha ng gold sa athletics
DUMAGUETE, Philippines --Agawan sa ginto ang mangyayari sa larangan ng athletics sa pagsisimula ng 2013 Palarong Pambansa sa Gov. Mariano Perdices Memorial Stadium dito.
Aksyon sa seconÂdary boys shotput at long jump, secondary girls jaÂvelin throw at triple jump at elementary boys triple jump at girls shotput ang magaganap sa pormal na pagsisimula ng aksyon sa hanay ng mga batang atleta’t mag-aaral mula sa 17 rehiyon ng bansa.
Bukas naman sisimulan ang labanan sa swimming na gagawin sa Sen. Lorenzo Teves Aqua Center na tulad ng athletics ay pagmumulan ng maraming ginto.
Ang National Capital Region ang magbabalak na maipagpatuloy ang ginaÂgawang dominasyon sa magkabilang dibisyon pero asahan ang matinÂding laban mula sa Western Visayas.
Pinangunahan ni NegÂros Oriental Governor Roel Degamo ang pagsalubong sa mga atleta, coaches at mga bisita sa makulay na opening ceremony na kinakitaan muna ng pagparada na sinimulan sa Silliman University.
Si PSC Chairman Ricardo Garcia ang naging guest of honor at humalili sa puwestong naunang inilaan para kay Pangulong Benigno Aquino III habang ang DepEd ay kinatawan ni Secretary Armin Luistro, FSC at Asec Tonisito Umali.
Ito ang unang pagkakaÂtaon na idaraos ang Palaro sa Dumaguete City at tiniyak ni Gov. Degamo na siyang punong-abala sa isang linggong torneo, na magiging maayos at meÂmorable ang pamamalagi ng mga bisita sa kanyang nasasakupan.
- Latest