Ateneo nakatikim sa UST
MANILA, Philippines - Tinapos ng UST ang tatlong dikit na panalo ng Ateneo sa pamamagitan ng 63-57 panalo sa FilOil Flying V Hanes Pre-Season Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Sina Aljon Mariano at Kevin Ferrer ang nagtulong para bumangon ang Tigers mula sa 53-57 iskor sa hu-ling dalawang minuto tungo sa 1-1 karta.
Si Mariano ay umiskor ng anim na sunod na puntos para ibigay ang 59-57 abante bago nagpakawala ng tres si Ferrer upang palawigin sa lima ang kaÂnilang bentahe sa huling 15 segundo sa orasan.
Samantala, kinuha naman ng La Salle ang ikalaÂwang sunod na panalo nang tudlain ang Southwestern University, 98-61, habang nalusutan naman ng Adamson ang FEU, 68-67, sa isa pang laro.
May 17 puntos si Almond Vosotros para sa ArÂchers at ang kanyang 13 puntos sa first half ang nakatulong para agad na iwanan ng koponan ang Cebuano team, 28-10 at 55-33.
May 16 puntos si Norberto Torres habang sina Jason Perkins at Gabby Reyes ay may 12 at 10 puntos at ang Archers ay umangat sa 2-0 matapos talunin ang UST sa unang laban, 73-67.
- Latest