^

PSN Palaro

Seguridad sa PBA Fun Run ikinasa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pag­ka­kataon ang mga  mana­nakbo na makasabayan sa takbuhan ang mga iniidolong PBA players bukas sa ikatlong edisyon ng PBA Run  with the Fans sa Fontera Verde (Tiendesitas) sa Ortigas, Pasig City.

Nasa 5,000 na ang bilang ng mga nagparehistro na makikipagsukatan sa 15-k, 10-k, 5-k, 3-k at 2-k dis­tansya.

Walang cash prizes na ipamamahagi sa mga mananalo pero masusulit ang kanilang takbo dahil sa mga appliances at mga gift checks ang ipamamahagi.

“Ang mga representatives ng PBA teams ay na­nga­kong papupuntahin ang kanilang mga pla­yers at makasama ng mga fans,” wika ni Rose Montreal na pinuno ng marke-ting arm ng PBA.

Ang patakbo ay bahagi ng selebrasyon ng ika-38th taon ng pro league at ang kikitain dito ay ilalaan para sa cancer and hemato­logy center ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Sa unang dalawang taon ng patakbo, nakapag-donate ang PBA ng chemo machine sa PCMC.

Ang karera ay magsisimula sa alas-5 ng umaga at para matiyak din ang seguridad ng mga makikiisa, tatlong K9 dogs at pinalawig na security personnels ang nakapalibot sa venue ng karera.

FONTERA VERDE

MAGKAKAROON

MEDICAL CENTER

PASIG CITY

PHILIPPINE CHILDREN

ROSE MONTREAL

SHY

TIENDESITAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with