^

PSN Palaro

Boom Boom itataya ang belt kontra Ramirez ngayon

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palalakasin pa ni Rey “Boom Boom” Bautista ang paghahabol para ma­palaban sa lehitimong world title sa pag-asinta ng kumbinsidong panalo laban kay Jose “Negro” Ramirez ngayong gabi sa University of Southern Phi­lippines Gym sa Davao City.

Itataya ng 26-anyos na si Bautista ang hawak na WBO international fea­therweight title laban kay  Ramirez sa main event ng pa-boxing na handog ng ALA Promotion katuwang ang ABS-CBN at tinaguriang Pinoy Pride 19--“Mexican Invasion”.

May 34 panalo sa 36 laban kasama ang 25 KOs, isang beses pa lamang na napalaban sa world title si Bautista at natalo siya kay Daniel Ponce De Leon noong 2007 sa pamamagitan ng first round KO.

Nanalo si Bautista ng 11 sa sumunod na 12 laban ngunit tila hindi kumbinsido ang kanyang handlers na hinog na siya para mapa­laban sa world title kaya’t kailangan niyang magpakita kay Ramirez, may 24 panalo sa 27 laban at 15 KOs.

“Hindi ko tinitingnan ang knockout. Ang mahalaga ay manalo ako pero kung magkakaroon ng pagkakataon ay patutulugin ko siya,” wika ni Bautista.

Bagamat may 27 laban, ang 25-anyos na si Ramirez ay mapapalaban sa unang pagkakataon sa labas ng Mexico upang madehado sa laban.

Walang naging problema sa timbang ng da­lawang boksingero dahil pareho silang pumasok sa 126-pound limit sa weigh-in kahapon sa SM City Davao.

Masasama sa lalaban si Rocky Fuentes na susukatin ang husay ni Juan Kantun ng Mexico sa loob ng 10 rounds.

Itataya ng 27-anyos na si Fuentes na OPBF flyweight champion, ang kanyang 14-fight winning streak laban kay Kantun na isang WBC Youth World Super Flyweight titlist.

vuukle comment

BAUTISTA

BOOM BOOM

CITY DAVAO

DANIEL PONCE DE LEON

DAVAO CITY

ITATAYA

JUAN KANTUN

LABAN

RAMIREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with