^

PSN Palaro

Ganzon, Benedicto kampeon sa 2nd Mango Man Triathlon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagsaluhan nina  Ale­xandra Ganzon at Augusto Benedicto ang tagumpay sa idinaos na 2nd Mango Man triathlon sa Guimaras kamakailan.

Ang tubong Iloilo na si Ganzon ay naorasan ng tatlong oras, 5 minuto at 18 segundo upang talunin sina May Antonette Nuñez (3:11:42) at Melissa Jane Jaroda (3:17:51).

Si Benedicto na dating number one sa duathlon na ngayon ay unti-unti ng sumasalang sa triathlon ay kumamada sa 1.5-k swim, 40-k bike at 10-k run sa bilis na 2:22:42.

Pumangalawa si Franklin Peñalosa sa 2:37:03 habang si Frank Echeverria ang pumangatlo sa 2:49:15.

May 1000 triathletes ang tumugon sa starting gun na pinaputok nina Gui­maras Gov. Felipe Hilan Nava at Pyt Trimanez na siyang tumayong race director.

Manalo naman sina Chris Rcel Guillergan, Oliver Portillano at Jero Jaro sa team relay sa 2:18:03 bago sinundan ng koponang binuo nina Jude Dejilla, Rj Fuentes at Romulo Balinas (2:22:57) at Paul Dela Rama, Timogen Manayon at Douglas Mwiti (2:24:30).

Nagkaroon din ng side race sa takbuhan sa distansyang 10-kilometer at sina Jason Agravante at Jennelyn Nobleza ang naulit na mga kampeon sa kanilang mga dibisyon sa 35:11 at 45:05 tiyempo.

Si Atty. Elijo Sharon H. Bellones ang tuma­yong overall chairman sa pestibal at inihayag niya ang planong magdaos pa ng maraming adventure racing tulad ng Ironman challenge, stakeboarding competition, beach volleyball, mountain biking at trek running.

AUGUSTO BENEDICTO

CHRIS RCEL GUILLERGAN

DOUGLAS MWITI

ELIJO SHARON H

FELIPE HILAN NAVA

FRANK ECHEVERRIA

FRANKLIN PE

GANZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with