Gems tumiklop sa Giants Shakers pinigil ng Team Delta
MANILA, Philippines - Hindi nagpapigil ang mga malalaking tao ng EA Regens tungo sa 74-63 panalo sa Fruitas para angkinin ang ikatlong sunod na panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Si 6’7 Raymund Almazan ay may 20 puntos at 14 rebounds habang double-double na 13 puntos at 11 boards ang ibinigay ni Jimbo Aquino para katampukan ang pag-angat ng Team Delta sa 4-2 karta.
May 14 rebounds din si Ian Sangalang para hawakan ng Team Delta ang 58-49 sa rebounding.
“Bentahe namin ang height at ito ang talagang pinagtuunan namin,†wika ni coach Allan Trinidad.
Nakatulong pa sa panalo ay ang pagbuhos ni Jonathan Semira ng lahat ng kanyang 15 puntos sa laro sa ikatlong yugto na kung saan iniwan nila ang Shakers, 58-46.
Si Carlo Lastimosa ay mayroong 25 puntos pero siya lamang ang manlalaro ni coach Nash Racela na nasa doble-pigura.
Minalas pa si Lastimosa na natawagan ng ikaapat na puntong pinangangalagaan ng koponan ang 42-41 bentahe. Matapos ilabas ay umarangkada ang Team Delta ng 17-4 palitan para lumayo na.
Ginamit din ng Jumbo Plastic ang malakas na laro sa ikatlong yugto para kunin ang kauna-unahang two-game winning streak sa liga sa bisa ng 90-71 dominasyon sa mas beteranong Cebuana Lhuillier.
Shoot-out ang nangyari sa ikatlong yugto at mas mabangis ang Giants na na-outscore ang Gems, 32-20, para hawakan ang 20-puntos na agwat, 72-52.
Si Jeff Vidal ay tumapos taglay ang 18 puntos, 12 rito ay sa ikatlong yugto ibinuhos, habang apat pang manlalaro na sina Macky Acosta, Aljon Mariano, Kirk Del Rosario at Marvin Hayes ay nagsanib sa 53 puntos at ang Giants ay palaban pa sa puwesto sa quarterfinals sa 3-5 baraha.
Bumaba ang Gems sa 4-4 karta matapos ang ikalawang dikit na kabiguan.
“Noong nakakatikim na ng panalo ang mga bata ay nagkakaroon sila ng kumpiyansa. Itong dalawawng sunod na panalo, mahalaga ito sa amin dahil next game namin ay ang malakas na Big Chill, Sana hindi magbago ang kanilang laro,†wika ni assistant coach Joel Dualan na humalili sa head coach na si Stevenson Tiu.
Si Raymond Aguilar ay may 15 puntos pero walong puntos na ang suÂnod na best scorer ng Gems para malagay sa ikaÂpitong puwesto.
- Latest