PBA D-League foundation cup win NO. 5 puntirya ng Shakers
Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2 p.m. Fruitas vs EA Regens
4 p.m. Jumbo Plastic
vs Cebuana Lhuillier
MANILA, Philippines - Pipilitin ng Fruitas ShaÂkers na manatiling nakaÂagwat sa ibang koponan sa mahalagang ikalawang puwesto sa pagbangga sa EA Regens sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ikalimang panalo sa anim na laro ang mahahaÂgip ng Shakers kung malusutan ang Team Delta na nais palakasin ang kasalukuyang 3-2 baraha.
Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon at kasunod nito ay ang bakbakan ng Cebuana Lhuillier at Jumbo Plastic dakong alas-4 ng hapon.
May 2-5 karta ang Giants na galing sa panalo sa Informatics, 80-75, at mahalaga ang makukuhang panalo para tumibay ang paghahabol sa quarterfinals.
Asahan naman na mabangis ang larong makikita sa Gems na dumapa sa huling laban kontra sa EA Regen, 69-73, para makasalo ngayon ang Boracay Rum sa 4-3 karta.
Galing ang bataan ni coach Nash Racela mula sa 83-75 tagumpay sa Big Chill noong Abril 11 para makabangon agad matapos ang paglasap ng unang kabiguan sa Cagayan Valley, 74-80.
“Maganda ang puwesto namin pero kailangan pa rin na manalo nang manalo para umabot sa playoffs,†wika ni Racela.
Ang liksi ng mga guards sa pangunguna ni Carlo Lastimosa ang sandata ng Shakers at ipantatapat sa naglalakihang frontline ng Team Delta sa panguÂnguna nina Ian Sangalang at Raymond Almazan.
Si Sangalang ang nagbibigay ng karanasan sa bago niyang koponan habang si Almazan ay naghahatid ng double-double sa puntos at rebounds sa huling dalawang laro na naipanalo ng tropa ni coach Allan Trinidad.
- Latest