^

PSN Palaro

Mizbani napabilib sa husay ng mga Pinoy riders

RC - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines   -- Bagamat walang isa mang nanalo ng stage sa katatapos na 2013 Le Tour de Filipinas, pi­nuri pa rin ng individual champion na si Iranagh Ghader Mizbani ng Tabriz Petrochemical Team ng Iran ang talento ng mga Pinoy.

 Sinabi ni Mizbani, isang dating Asian Games champion at palagiang No. 1 sa UCI continental ran­kings, na mahusay ang mga Filipino riders sa labanan sa patag na kalsada.

 â€œThey are very good in flat routes, but they have difficulty in climbing,” obserbasyon ng 38-anyos na si Mazbani sa mga Pinoy cyclists.

Kabilang sa mga Filipino riders na nakasabayan ni Mizbani ay ang mga retirado at kampeong sina Victor Espiritu, Warren Davadilla at Arnel Quirimit.

Nagposte si Mizbani ng kabuuang bilis na 16:38 minuto at 37 segundo para agawin sa dating haring si  Jonipher “Baler” Ravina, tumapos bilang No. 13 at 20 minuto at limang Segundo ang agwat kay Mizbani, ang individual crown.

 â€œMalakas talaga sila (Tabriz). Matulin talaga sa ahon at sympre sa lusong,” sabi ni Ravina sa mga Iranian cyclists na sinikwat din ang team overall title.

 Inangkin din ng 5-foot-7 na si Mizbani ang green jersey (Sprinter of the Day) mula sa kanyang naipong 17 points laban sa 14 points ni Filipino Cris Joven ng Team American Vinyl.

Si Mizbani ang naging ikalawang Iranian na nagkampeon sa Le Tour de Filipinas matapos si Rahim Emami noong 2011, samantalang si David McCann ng Ireland ang hinirang na  inaugural champion noong 2010.

 Tanging si  John Mark Galedo ang tanging Pinoy na may pinakamagandang puwestong tinapos sa pagiging No. 11 at binigyan ng Best Filipino Rider trophy.

ARNEL QUIRIMIT

ASIAN GAMES

BEST FILIPINO RIDER

FILIPINAS

FILIPINO CRIS JOVEN

LE TOUR

MIZBANI

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with