Stage 1 inangkin ng Korean rider
APARRI--Walang Filipino cyclist na nakapasok sa Top Ten, habang isang 26-anyos na South Korean ang naghari sa Stage One ng ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas dito kaÂhapon.
Nagrehistro si Lee Ki Suk ng CCN Cycling Team ng Brunei ng bilis na apat na oras, 35 minuto at 42 segundo para pagharian ang distansyang 183 kilometro na tinampukan ng kanyang panalo sa tatlo sa apat na sprint stages at isuot ang green at yellow jersey.
“I sprint all the way,†sabi ng tubong Seoul, Korea na si Lee na nanguna sa stage sprint na 61.99 kms, 93.79 kms at 123.39 kms sa kabila ng malakas na buhos ng ulan simula sa Bangui, Ilocos Norte hanggang sa bayan ng Sanchez Mira. “The rain was a big help to me because yesterday (Biyernes) it was very hot.â€
Inungusan ng 5-foot-9 na si Lee sina Douglas Repacholi (4:35:42) ng City of Perth Cycling Team at Ghader Iranagh Mizbani (4:35:44) ng Terengganu Cycling Team ng Malaysia.
Hindi naman nakasingit ang mga Pinoy riders sa Top Ten sa International Cycling Union (UCI) Asia Tour race na itinataguyod ng Standard Insurance, Jinbei, Victory Liner, San Mig Coffee, Magnolia Purewater, Red Media, Foton, Maynilad, Kia, Sign Media, Integrated Waste Management Inc., Eurotel, American Vinyl, LBC at 7-Eleven.
Ang nagtatanggol sa koronang si Baler Ravina ng 7-Eleven Roadbike PhiÂlippines ay pitong minuto at 15 segundo ang agwat sa nanalong si Lee para tumapos bilang No. 22.
Sa unang 15 kilometro pa lamang ng karera ay naiwanan na ng mga foÂreign riders ang mga local bets hanggang sa tuluyan nang nakalayo sa sumunod na 30 kilometro sa bayan ng Claveria.
“Late na ‘yung dive namin sa lusungan kaya hindi na kami nakaabot,†dahilan ng tubong Asingan, Pangasinan na si Ravina. l.â€
Ang iniilagang Tabriz Petrochemical Team ng Iran ang bumandera sa stage team classification mula sa kanilang bilis na 13:47:40 kasunod ang CNN (13:51:03) at City of Perth Cycling Team (13:53:45).
- Latest