^

PSN Palaro

Stage 1 ng Le Tour De Filipinas papadyak ngayon Iran kinatatakutan ni Dolosa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

BANGUI, Ilocos Norte , Philippines  --Hindi maita­tangging nangingilag si American Vinyl head coach Renato Dolosa sa Tabriz Petrochemical Cycling Team ng Iran.

“Puwedeng sumabay, pero ‘yung sabihin natin na mananalo talaga kami sa kanila, mahihirapan talaga kami,” wika ni  Dolosa sa nasabing Iranian continental squad na ngayon ay No. 1 cycling team sa Asya. “Hindi naman kami sasabihing sumusuko, kumbaga mabigat lang talaga ‘yung laban.”

Ang huling torneong pinagharian ng Tabriz Petrochemical ay ang five-day Brunei Cycling Championship noong  Setyembre.

“Kaya ‘yun. Huwag nating sabihin na hindi tayo mananalo kasi hindi pa naman nag-uumpisa ‘yung karera eh,” sabi ni Baler Ravina, ang nagdedepensang kam­peon  na makakatuwang sa 7-Eleven sina John Lexer Galedo, Ericson Obosa, Ronnel Hualda, Harvey Sicam, Ryan Tugawin, Ric Rodriguez at Roberto Querimit.

Nakatakdang humataw ngayong umaga ang ikaapat na edisyon ng Le Tour de Fili­pi­nas sa pamamagitan ng Stage One kung saan mag-uunahan sa distansyang 175.5 mula Bangui hanggang Aparri, Cagayan ang 10 foreign teams at limang local squads.

Sa Stage Two, pepedal naman ang mga sik­lista sa kabuuang 196 kms dis­tansya papuntang Caua­yan, Isa­bela at ang Stage Three ay isang madaling 104-km race patungong Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa Stage Four, isang mahirap na 133.5 kms na karera mu­la sa Bayombong hanggang Baguio City ang dede­ter­mina kung sino ang sisikwat sa titulo.

Ang mga continental teams ay ang Terrenganu Cy­cling (Malaysia), OSBC Singapore (Singapore), CCN Cycling Team (Taiwan), Tabriz Petrochemical (Iran), Synergy Ba­ku Cycling Project (Azerbaijan) at Polygon Sweet Nice (Ireland).

Ang mga foreign club teams ay ang Perth Cycling (Australia), Team Direct Asia (Hong Kong), Atilla Cycling Club (Mon­golia) at Korail Cycling Team (Korea).

Ang LBC-MVPSF Cycling Pilipinas, Team 7-Eleven-Roadbike Philippines, Navy-Standard Insu­rance, Marines-Standard Insurance at American Vinyl ang bubuo sa mga local teams.

vuukle comment

AMERICAN VINYL

ATILLA CYCLING CLUB

BAGUIO CITY

BALER RAVINA

BAYOMBONG

BRUNEI CYCLING CHAMPIONSHIP

CYCLING

SHY

TABRIZ PETROCHEMICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with