Mixers may tiket na sa quarterfinals
Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
5:15 p.m. Alaska vs Globalport
7:30 p.m. Barako Bull vs Rain or Shine
MANILA, Philippines - Matapos kunin ang isang 16-point lead sa third period ay hindi na nilingon pa ng Mixers ang bumubulusok na Express patungo sa pagsikwat sa isang quarterfinals berth.
Dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang nagdedepensang San Mig Coffee matapos ipalasap sa Air21 ang paÂngatlong dikit na kamalasan nito sa bisa ng isang 80-66 pananaig sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Niresbakan ng Mixers ang Express, dating naglista ng isang four-game winning streak, na tumalo sa kanila, 87-82, sa una nilang paghaharap noong Marso 20.
Itinaas ng San Mig Coffee ang kanilang kartada sa 7-6 sa ilalim ng mga kapwa mga quarterfinalists na Alaska (9-3), Rain or Shine (8-4), Barangay Ginebra (7-5) at Petron Blaze (7-5) kasunod ang Talk ‘N Text (6-6), Meralco (6-6) Air21 (5-8), Barako Bull (4-8) at Globalport (2-10).
“When you don’t have James (Yap) available it’s sure nice to have PJ (Simon) out there,†sabi ni coach Tim Cone kay Yap na hindi nakapag-ensayo dahil sa lagnat at nabigong makaiskor sa loob ng 14 minuto.
Ipinoste ng Mixers ang isang 16-point lead, 48-32, sa gitna ng third period patungo sa 68-50 pagbaon sa Express sa kaagahan ng fourth quarter.
Samantala, hinugot naman ng Tropang Texters si dating New York Knicks center Jerome Jordan bilang kapalit ni Donnell Harvey na biglaang umuwi ng United States matapos masangkot sa car accident ang kanyang tatlong anak sa Atlanta, Georgia noong Linggo. (RCadayona)
San Mig Coffee 80 – Bowles 29, Pingris 14, Simon 12, Barroca 9, Devance 7, Gaco 6, Mallari 2, De Ocampo 1, Najorda 0, Yap 0, Gonzales 0, Reavis 0.
Air21 66 – Canaleta 26, Dunigan 18, Isip 10, Omolon 4, Menor 2, Custodio 2, Cortez 2, Arboleda 2, Atkins 0, Sena 0, Wilson, Baclao 0, Ritualo 0.
Quarterscores: 20-16; 39-29; 60-45; 80-66.
- Latest