Gonzales nagpakundisyon muna
MANILA, Philippines - Hindi dapat pagtakhan kung bakit maganda ang inilaro ni Fil-Am Ruben Gonzales sa idinaos na Philippines-Thailand tie sa Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup semifinals tie sa Plantation Bay Resort at Spa sa Lapu Lapu City.
Bago ang Davis Cup ay sumalang si Gonzales sa mga torneo sa ibang bansa sa mga clay courts kaya’t hindi naging problema ang surface sa pinaglaruang venue.
“I played in clay tournaments before coming here so I had no major adjustment in the surface. The adjustment was more on the weather,†wika ni Gonzales na nakasama si Johnny Arcilla at non-playing team captain Roland Kraut na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Hindi natalo ang 27-anyos na number one player ng bansa sa dalawang laro at kinatampukan ito ng straight sets na panalo sa pinakamahusay na tenista sa South East Asia na si Danai Udomchoke sa tatlong sunod na sets, 6-4, 6-3, 6-2.
Ang tagumpay na ito ni Gonzales, na tinalo muna si Wishaya Trongcharoenchaikul sa unang laro, ang ikatlong panalo ng Pilipinas sa best-of-five tie at kunin ang karapatang labanan ang New Zealand sa Finals mula Setyembre 13-15.
- Latest