^

PSN Palaro

Para manatili ang korona SA 2013 Le Tour de Filipinas Ravina kailangang pumukpok

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kailangang  mailabas ni Baler Ravina ang pinakamagandang kondisyon kung nais niyang  mapanatiling suot ang kampeonato matapos ang 2013 Le Tour de Filipinas.

Ito ay dahil sa paglahok ng mga matitinik na dayuhang siklista sa apat na araw na karera na inor­ganisa ng Dynamic Outsource Solutions Inc., (DOS-I) at handog ng Air21 na may basbas din ng international body International Cycling Union (UCI).

Ang 31-anyos na si Ravina ang lumabas bilang ikalawang siklista ng bansa na nanalo sa isang UCI sanctioned multi-staged race nang dominahin ang ka­rera noong nakaraang taon.

May 16-team at 80-siklista ang kasali sa karera, at 11 rito ay mga dayuhan sa pangunguna ng continental team ng Iran na Tabriz Petrochemical.

Ang iba pang continen­tal teams na kasali ay ang Terrenganu Cycling ng Malaysia, OSBC Singapore, CNN Cycling Team ng Taiwan, Ayandeh Continental ng Uzbekistan, Synergy Baku Cycling Project ng Ajerbaijan at Polygon Sweet Nice ng Ireland.

Ang Perth Cycling (Australia), Team Direct Asia (Hong Kong), Atilla Cycling Club (Mongolia) at Korail Cycling Team (Korea) at iba pang dayuhang club teams.

Makikipagsukatan sa mga ito ang mga local teams sa pamumuno ng Philippine Continental Teams na LBC-MVPSF Cycling Pilipinas at Team 7-Eleven-Roadbike Philippines bukod pa sa Navy-Standard Insurance, Marines-Standard Insurance at American Vinyl.

Mahigit na 600-kilometro ang tatahaking distansya sa apat na araw na karera mula Abril 13 hangang 16 at ito ay sisimulan sa Sabado sa isang 175.5-km Bangui hanggang Aparri, Cagayan.

 â€œStage Four will bring out the best of these ri­ders,” wika ni Bert Lina, ang Godfather ng cycling na chairman ng PhilCycling at may-ari ng Air21.

“This year’s race has become tougher and our Filipino cyclists would be tested to the hilt,” dagdag naman ni DOS-I president Gary Cayton.

vuukle comment

AMERICAN VINYL

ANG PERTH CYCLING

ATILLA CYCLING CLUB

AYANDEH CONTINENTAL

BALER RAVINA

BERT LINA

CYCLING

CYCLING PILIPINAS

CYCLING TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with