Sa Jr. NBA Philippines: 5-bata mula sa Quezon Province pasok sa Nat’l Training Camp
LUCENA CITY, Philippines --Tatlong bata mula sa Lucena at dalawa sa Tayabas ang magtutungo sa Manila bilang kinatawan ng Southern Tagalog sa National Training Camp ng Jr. NBA Philippines 2013 na inihahandog ng Alaska sa Abril 26-28.
Sina Michael Reyes, Michael Enriquez at Carlton Cabral mula sa Lucena at sina Reymund Capistrano at Miguel Ratuiste ng Tayabas ang makakasama ng anim na bata mula sa Dagupan at 10 mula sa Davao sa Jr. NBA Philippines 2013.
Ito ay isang three-day boot camp na susukat sa basketball skills ng mga partisipante bukod sa pagkakaroon ng Jr. NBA core values na Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect (STAR).
Ang mga napiling players ay kabilang sa Top 40 performers na sinala noong Abril 6, Day 1 sa Lucena Regional Selection Camp na idinaos sa Quezon Convention Center na dinaluhan ng 324 kids na may edad 10-14-anyos.
Ang mga partisipante ay mula sa Lucena, Sariaya, Atimonan, Candelaria, Pagbilao, Tayabas, Sampaloc, Lucban at Gumaca sa Quezon Province; Bauan, Tanauan, Sto. Tomas, Rosario, Lipa at Batangas City sa Batangas; Sta. Rosa, Calamba, Cabuyao at Canlubang sa Laguna; Bacood sa Cavite; at Legaspi, Albay at Daet, Camarines Norte sa Bicol Region.
Ang mga Lucena finalists ay pinili ng Jr. NBA evaluation committee na pinamumunuan nina Jr. NBA head coach Sefu Bernard, ang Senior Director of Basketball Operations ng NBA Asia at PBA Legend Jojo Lastimosa ng Alaska Power Camp para sa kanilang all-around basketball skills.
- Latest