Tinalo ang 76ers Heat ibinandera ni Lebron sa panalo
MIAMI -- Sumailalim sa ilang pagsusuri si LeBron James bago ang laro sa ilalim ng obserbasyon ng Miami Heat training staff at ilang coaches.
Nalampasan niya ito at nasa magandang pangaÂngatawan.
Umiskor si James ng 27 points matapos na hindi makalaro ng tatlong games dahil sa kanyang strained right hamstring injury, habang lima pang Miami players ang tumipa ng double figures para sa 106-87 paggiba ng Heat sa Philadelphia 76ers noong Sabado ng gabi.
Inilapit ng Miami ang kanilang sarili para sa homecourt advantage sa NBA Playoffs.
“He knows his body better than anybody,’’ pahayag ni Fil-Am Heat coach Erik Spoelstra kay James. “So he knew how to pace himself and put his fingerprints on the game.’’
Naglaro sa loob ng 31 minuto, tumipa si James ng 12-of-17 fieldgoal shooting at nagdagdag ng 5 assists at 4 rebounds.
Umiskor naman si Ra-shard Lewis ng 14 points, habang may 13 si Norris Cole at humakot si Chris Andersen ng 15 rebounds para sa Heat.
Itinaas ng Miami ang kanilang record sa 60-16, isang panalo pa ang kailaÂngan para mapantayan ang kanilang franchise single-season record.
Iniwanan ng Heat ang 76ers sa iskoran sa 29-11 sa fourth quarter patungo sa kanilang panalo.
Nagtala si Jrue Holiday ng 18 points para sa Philadelphia kasunod ang 14 ni Evan Turner, habang naglista ng 11 points at 11 rebounds si Spencer Hawes.
Ang isang agaw at dunk ni James sa 2:41 sa fourth quarter ang nagbigay sa Heat ng isang 16-points margin, 101-85 patungo sa kanilang panalo.
- Latest