3 Pinoy panalo sa undercard ng Viloria-Estrada bout
MANILA, Philippines - Nagposte ng magkakahiwalay na panalo ang tatlong Pinoy boxers na nasa undercard ng laban nina unified world flyweight champion Brian Viloria at Mexican challenger Juan Francisco Estrada kagabi sa Venetian Casino and Resort Hotel sa Macau.
Pinatumba ni Dodie Boy Peñalosa, Jr. (11-0-0, 11 KOs) si Ngaotawan SithsaiÂsong (4-5-0, 3 KOs) ng Thailand via third-round knockout sa oras na 2:54 sa kanilang non-title, super banÂtamweight bout.
Bagamat napabagsak ng Thai boxer sa first round gamit ang isang left hook, nakabangon naman si Dodie Boy, Jr. sa third round.
Umiskor naman si Dave (6-0-0, 4 KOs) ng isang KO victory nang pabagsakin si Cheroenchai Sithsaithong (4-4-0, 3 KOs) sa 29 segundo sa second round sa kanilang non-title, super banÂtamweight fight.
Nauna nang pinatumba ni Dave ang Thai sa first round.
Pinatulog ni Milan Melindo (28-0-0, 12 KOs) si Tommy SeÂran (23-2-0, 14 KOs) ng InÂdonesia sa 2:38 ng fourth round.
- Latest