JV pinaghahanda ang mga atleta para sa SEAG
MANILA, Philippines - Dapat maging handa ang mga national athletes paÂra sa 2013 Southeast Asian Games.
Ito ang paghihikayat ni San Juan Rep. JV Ejercito EsÂtrada, isang senatorial canÂdidate para sa United NaÂtionalist Alliance (UNA), paÂra sa mga atletang bubuo sa Philippine Team na sasabak sa 2013 Myanmar SEA Games sa Disyembre.
Bagamat wala pang paÂhayag kung ilan ang magiÂging bilang ng delegasyon daÂhil sa pagbabawas ng MyanÂmar sa mga Olympic sports, sinabi ni Ejercito EsÂtrada na dapat maging hanÂda pa rin ang mga atleta sa 2013 SEA Games.
“That’s the best thing they can do, to prepare hard,†wika ni Ejercito Estrada.
“So when the competition starts, they can give it their best, and they have to go all-out for flag and country no matter the situation. Their countrymen will be fully supportive of them in their quest for the gold,†dagÂdag pa nito.
Nagpanukala kamaÂkaÂilan si Ejercito Estrada sa PhiÂlippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission na magpadala ng ‘lean but mean’ squad sa nasabing biennial meet na nakatakda sa Disyembre 11-22.
“We should focus on training athletes that can win the gold in the SEA Games,†wika ng 43-anyos na legislator na miyembro ng Youth and Sports committee sa House of Representatives.
Ang mga National Sports Associations ang magÂrerekomenda ng kaÂnilang mga atleta para sa 2013 SEA Games, ngunit ang POC pa rin ang magdeÂdesisyon kung sino ang daÂpat ipadala.
Ang PSC ang gagastos sa paghahanda at pagsaÂsanay ng mga national athletes.
- Latest