^

PSN Palaro

Election ng NSAs tututukan ng POC

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Darating ang panahon na hindi na magkakaroon ng problema ang Philippine Olympic Committee (POC) hinggil sa kawalan ng eleksyon ng mga ka­saping National Sports Associations (NSAs).

Ipinag-utos ni POC 1st Vice President at membership committee chairman Joey Romasanta ang pagkakaroon ng ulat patungkol sa mga eleksyon na dapat gawin ng mga NSAs.

“Matagal ng problema ng POC ang mga eleksyon ng mga NSAs kaya dapat na itong tutukan at ayusin,” wika ni Romasanta.

Una niyang hiningi ang tamang iskedul ng mga eleksyon ng mga na­sa­saku­pang miyembro at isusunod dito ay ang Constitution at By-Laws para malaman kung paano isinasagawa ang kanilang halalan.

Isa sa problema na may relasyon sa eleksyon ng NSA ay sa Philippine Volleyball Federation (PVF) nang ihayag ng dating secretary-general Vangie de Jesus na napaso na ang termino ng mga opisyales noon pang Disyembre.

Si De Jesus ang nangu­nguna sa pagbabago sa PVF at dahil dito ay inalis siya sa puwesto at sinuspindi ng nakaupong pangulo na si Gener Dungo.­

Ang Philippine Natio­nal Shooting Association (PNSA) ay dating may problema rin sa eleksyon ngunit naayos na ito nang naupo bilang pangulo si dating secretary-general (ret.) Col. Danilo Gamboa para halinhinan ang ‘di na tumakbo na dating pangulo na si Dr. Mikee Romero.

“Hindi naman puwede na habang buhay ay carry-over  ang leadership sa NSA. Kaya ngayon pa lamang ay dapat na maisaayos na ang problemang ito dahil ang POC din ang nahihirapan kapag lumala ang problema,” wika ni Romasanta.

Isang pagpupulong ang balak na isagawa para sa bagay na ito at ipaunawa na seryoso ang POC na tapusin ang problema sa halalan ng mga NSAs.

 

ANG PHILIPPINE NATIO

DANILO GAMBOA

DR. MIKEE ROMERO

GENER DUNGO

JOEY ROMASANTA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE VOLLEYBALL FEDERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with