Gamboa bagong PNSA president
MANILA, Philippines - Inihalal si Ret. Col. Danilo Gamboa bilang bagong paÂÂngulo ng Philippine National Shooting Association (PNÂSA) matapos ang eleksyon kahapon sa kanilang tangÂgapan sa Philsports Complex sa Pasig City.
Nauwi sa unanimous decision ang pagkapanalo ng 75-anyos na si Gamboa nang umatras ang naunang kaÂtunggali na si Ildefonso Tronqued Jr. na chairman ng daÂting administrasyon.
Si Gamboa ang secretary-general ni dating PNSA president Dr. Mikee Romero na nagpasyang huwag nang tumakbo sa halalan.
Sina Roland Doncillo (vice-chairman) at Maria MarÂcia Cleofas (VP For Internal Affairs) ang iba pang baÂlik-opisyal ng PNSA, habang ang iba pang binigyan ng puwesto mula sa 15-board na nanalo sa halalang giÂnaÂwa noong Marso 23 ay sina Gabriel Tong (chairman), RiÂchard Fernandez (VP For National Affairs), Raymond LimÂcaco (treasurer) at Emerito Concepcion (corporate secÂretary).
Si Aristotle Viray ang inilagay bilang secretary-general.
“This is a unified board dahil halos ang limang aggruÂpations ay represented sa officers,†sabi ni Gamboa na nagÂsilbing national player mula 1977 hanggang 1983 at nanalo ng pilak sa rapid fire noong 1983 Singapore SEA Games.
Una niyang pagtutuunan ay ang pamamahala ng PiÂlipinas sa Southeast Asian Shooting Association (SEAÂSA) Championships.
Magtutungo si Gamboa patungong Malaysia para kausapin ang SEASA at Malaysia Shooting Association president Ally T. H. Ong at hilingin na iurong ang hosting daÂhil sa pagkakaroon ngayon ng gun ban para sa pagdaÂraos ng SEA Games sa Myanmar.
- Latest