^

PSN Palaro

So makikipagpigaan ng utak sa 27th Summer Universiade

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalahok si GM Wesley So sa gagana­ping 27th Summer Universiade sa Kazan, Russia mula Hulyo 6 hanggang 17.

Tinanggap ng 20-anyos na si So ang pagnomina sa kanya ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) para maging kinatawan ng bansa sa chess sa torneong pinata­takbo ng International University Sports Federation (FISU).

“This is the first time I will be competing in the Universiade and I’m excited and looking forward to the tournament,” wika ni So matapos nombrahan ni FESSAP president David Ong.

Si So na mag-aaral ng Webster Univer­sity at nasa pangangalaga ni WGM Susan Polgar,  ay  diretsong lilipad mula US patu-ngong Russia.

Gagamitin din ni So ang kompetisyon bilang pinal na paghahanda para sa pag­lahok sa 2013 World Cup sa Tromso Norway mula Agosto 10 hanggang Set­yembre 4.

“Wesley’s entry to the Philippine de­legation is a tremendous boost since he is our top chess player today,” wika ni  Ong.

Hindi bababa sa 11 sports ang sasalihan ng Pilipinas at bukod sa chess, kasali rin ang  bansa sa athletics, archery, badminton, basketball, beach volleyball, fen­cing, swimming, table tennis at weightlifting.

Hanap ng ipadadalang delegasyon na higitan ang isang pilak na napanalunan ng bansa noong nakaraang taon na nilaro sa Shenzhen, China.

Si taekwondo jin Samuel Thomas Morrison ang siyang pinalad na manalo ng medalya para maiwasan ang pagkabokya sana ng ipinadalang delegasyon.

DAVID ONG

FEDERATION OF SCHOOL SPORTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

INTERNATIONAL UNIVERSITY SPORTS FEDERATION

SAMUEL THOMAS MORRISON

SHY

SI SO

SUMMER UNIVERSIADE

SUSAN POLGAR

TROMSO NORWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with