Hibbert humataw sa panalo ng Pacers
LOS ANGELES -- Hindi naglaro si Roy Hibbert nang unang labanan ng Indiana Pacers ang Los Angeles Clippers.
At sa kanyang paglaÂlaro kagabi ay naging mahalaga siyang sandata ng Pacers.
Humugot si Hibbert ng 15 sa kanyang 26 points sa first quarter at humakot ng 10 rebounds bago ma-foul out na nakatulong sa 109-106 panalo ng Indiana kontra sa Clippers.
“I just wanted to get out of the gates early, be aggressive, make the right plays and don’t force things,†sabi ni Hibbert.
Isinalpak ni Hibbert, nagsilbi ng kanyang one-game suspension nang matalo ang Pacers sa Clippers, 91-99 sa Indianapolis noong Pebrero 28, ang lahat ng kanyang walong tira sa first half at tumapos na may 11-for14 fieldgoal shooting.
Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Indiana para patuloy na banderahan ang Central Division.
Hindi nakaiskor si Clippers center DeAndre Jordan, sa loob ng 17 minuto at iniupo sa bench sa 6:26 sa third quarter at hindi na muling ipinasok sa fourth period.
Tumipa si David West ng 16 points, habang may tig-13 sina Lance Stephenson at George Hill.
Gumawa si Jamal Crawford ng 25 points para sa Pacific Division-leading Clippers, habang may 17 si Blake Griffin.
Sa Memphis, Tennessee, ibinigay ni Mike Conley ang ika-50 panalo ng Memphis mula sa kanyang driÂving layup may 0.6 segundo na lamang ang nalalabi sa laro kung saan umahon ang Grizzlies at igupo ang San Antonio Spurs, 92-90.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Grizzlies at ika-50 naman sa season sa unang pagkakataon mula noong 2003-04, at ito rin ang ika-12th sunod na panalo sa kanilang bakuran.
Isinalpak ni Conley ang huling limang puntos at tumapos ng 23 puntos para sa Pacers.
Binanderahan ni Tony Parker ang Spurs sa kanyang 25 puntos.
Sa iba pang resulta, tiÂnalo ng Detroit ang ToronÂto, 108-98; hiniya ng Atlanta ang Cleveland, 102-94; niyanig ng Milwaukee ang Charlotte, 131-102; pinasabog ng Houston ang Orlando, 111-103; binigo ng Minnesota ang Boston, 110-100.
- Latest