Bagong 2-year residency rule ng UAAP ipinababasura ni Cayetano
MANILA, Philippines - Hiniling ni Sen. Pia CaÂyetano sa UAAP na ibasura ang bagong two-year residency rule para sa mga college transferees.
Sinabi ni Cayetano sa isinagawang Senate inquiry kahapon na ang atleta mismo ang direktang naaapektuhan sa ipatutupad na bagong alituntunin ng UAAP Board.
“You present the athletes with a terrible choice: stay with a school that isn’t your first choice, or move to a school that you want but not play the sport which is your first love,†sabi ni CaÂyetano. “I will call it a spade: the rule protects the institution more than it protects the child.â€
Ang mga atletang gusÂtong lumipat sa UAAP member school sa college ay dapat munang ubusin ang kanyang unang dalawang taon para sa residency rule.
Kamakailan ay inapruÂbahan ng UAAP Board ang pagpapataas ng dalawang taon sa residency period ng mga high school players na gustong lumipat sa isang member school.
Isa sa mga basketball players na pinag-aagawan ay si Jerie Pingoy, ang pambato ng Far Eastern University sa high school division na gustong lumipat sa Ateneo Blue Eagles.
Irerekomenda ni CaÂyeÂË™tano sa UAAP Board na ibasura ang naturang two-year residency rule at sa halip ay panatilihin na lamang ang one-year residency para sa mga college transferees.
- Latest