^

PSN Palaro

Pennisi pinigil ang pagbulusok ng Barako Bull

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikaapat na pagkakataon ay nagtala si ve­teran center-forward Mick Pennisi ng double figures para sa Barako Bull nga­yong 2013 PBA Commissioner’s Cup.

Noong Linggo sa 105-100 panalo ng Energy Cola laban sa nagdedepensang San Mig Coffee, nagposte ang 38-anyos na si Pennisi ng 19 points at 7 rebounds na siyang pumigil sa kanilang six-game losing slump.

Dahil dito, hinirang ang 6-foot-9 na si Pennisi  bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

“Mick is a European-type of a player, tall who can shoot the ball from the outside,” sabi ni Rajko Toroman, ang active consultant ng Barako Bull, sa istilo ng paglalaro ni Pennisi.

“At the start of the confe­rence he was not playing very well. But lately his game has picked up and that is good for he is a big part of our team, our system,” dagdag pa ng Serbian mentor.

Nauna nang tinalo ng Energy Cola ang Mixers, 79-75, sa kanilang unang pagkikita noong Pebrero 8 kung saan naglaro nang walang import ang San Mig Coffee.

Sa kanilang pangalawang paghaharap, tumipa si Pennisi ng 7-for-8 fieldgoal shooting kasama ang magandang 5-for-6 clip sa three-point range.

Ang dalawang triples ni Pennisi ang nagbangon sa Barako Bull mula sa 60-70 agwat na naging bahagi ng isang 19-3 atake para iwanan ang San Mig Coffee sa 87-78.

Sa kanilang ikaapat na panalo sa 11 laro, may  tsansa pa ang Energy Cola na makapasok sa quarterfinals.

“We’ll take it one game at a time,” wika ni Toroman sa Barako Bull. “One more win and we could close in.”

 

vuukle comment

BARAKO BULL

DAHIL

ENERGY COLA

MICK PENNISI

NOONG LINGGO

PENNISI

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

RAJKO TOROMAN

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with