^

PSN Palaro

Gold, bronze sa Pinoy duathletes sa Indonesia

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magandang panimula ang naitala ng Pambansang duathletes sa kalala­kihan nang kunin nina Carlo Jose Pedregosa at Robeno Javier ang una at ikatlong puwesto sa duath­lon event na bahagi ng 2013 South Sumatra ITU Triathlon Premium Asian Cup Elite sa Jakabaring Sports City sa Palembang, Indonesia.

Ang 10-k run, 40-k bike at 5-k run event ay pinaglabanan noong Sabado at si Pedregosa ang lumabas na nagtaglay ng pinakamagandang kondisyon sa mga sumaling duathletes mula sa 20 bansa sa na­ngungunang dalawang oras, 10 minuto at 46 segundo.

Agad na nagpasikat si Pedregosa, anak ng da­ting tinitingalang  middle at long distance runner na ngayon ay national duathlon coach na si Edgardo, nang saba­yan sa unahan sa unang run leg si Muhammad  Taufik ng Indonesia.

Sinikap nina Shahrom Abdullah at Javier na bigyan ng magandang la­ban si Pedregosa nang na­ka­dikit sa bike ngunit may naitatago pang sapat na lakas ang  batang duathlete upang tuluyang dominahin ang huling run leg.

Ang number one duath­lete ng Malaysia na si Abdullah ang kumuha sa ikalawang puwesto, kapos lamang ng 59 segundo kay Pedregosa, sa naitalang 2:11:45 habang si Javier, na siyang numero uno sa Pilipinas, ang kumuha sa bronze  medal sa tiyem­pong 2:13:42.

Isinali rin sa kompetis­yon si Robinson Esteves at tumapos siya sa ikaanim na puwesto sa 2:16:24 oras.

Ito ang unang karerang nilahukan ng mga duathletes ng bansa at kumbinsido si TRAP president Tom Carrasco Jr., naninilbihan din bilang POC Chairman, na sa pagpupursigi ng mga atleta at masusing pagsasanay ay madaragdagan pa ang panalong makukuha sa taong 2013.

CARLO JOSE PEDREGOSA

JAKABARING SPORTS CITY

JAVIER

PEDREGOSA

ROBENO JAVIER

ROBINSON ESTEVES

SHAHROM ABDULLAH

SHY

SOUTH SUMATRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with